Sama-sama nating salubungin ang pagbubukas ng SY 2021-2022
sa National School Opening Day Program ngayong Lunes, Setyembre 13, 7:30 AM! Makakasama natin dito si DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones upang pormal na ideklara ang pagbubukas ng klase, pati na rin si Presidente Rodrigo Roa Duterte upang magbigay ng kanyang mensahe.
Ang pagbubukas ng SY 2021-2022 ay tanda ng tagumpay ng ating pagbabayanihan para sa isang ligtas na balik-eskwela para sa ating mga mag-aaral, guro, pati na rin ang ating iba pang education stakeholders.
Abangan ang livestream ng nasabing programa sa opisyal na Facebook page ng DepEd Philippines at sa lahat ng DepEd regional Facebook pages.
SALUBUNGIN NATIN ANG PANIBAGONG TAONG PANURUAN
NA PUNO NG SIGLA AT PAG-ASA!
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon