LUCENA CITY, QUEZON — Isinagawa ng Schools Division Office ng Quezon Province ang PRIME-HRM Status Report Presentation per Human Resource System (Maturity Level II) ngayong Marso 6, 2026 sa M.I. Sevilla’s Farm & Resort bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng dibisyon na mapanatili ang kasalukuyang antas ng implementasyon ng PRIME-HRM at ihanda ang organisasyon sa susunod na antas ng maturity.
Nagsimula ang programa sa mga paunang gawain kung saan nagbigay ng welcome remarks si Dr. Juanito A. Merle, SGOD Chief. Sinundan ito ng mensahe ni Dr. Lorena S. Walangsumbat, OIC–Assistant Schools Division Superintendent, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapatibay ng mga human resource systems bilang pundasyon ng mahusay, transparent, at merit-based na pamamahala sa serbisyo publiko.
Matapos ang preliminaries, isinagawa ang review ng implementasyon ng PRIME-HRM Maturity Level II upang muling balikan ang mga pamantayan at mahahalagang proseso ng apat na pangunahing human resource systems. Sinimulan ito ni Michelle G. Duma, Senior Education Program Specialist at Division PRIME-HRM Focal Person, sa pamamagitan ng pagbibigay ng general overview ng PRIME-HRM. Sinundan ito ng talakayan ni Dr. Lorena S. Walangsumbat tungkol sa Performance Management (PM) system. Ipinresenta naman ni Wennie O. Gaela, Administrative Officer IV at Human Resource Management Officer, ang mga proseso at mekanismo ng Recruitment, Selection and Placement (RSP). Muling nagbahagi si Michelle G. Duma ng mga mahahalagang detalye hinggil sa Learning and Development (L&D) at Rewards and Recognition (R&R) systems.
Sa hapon, nagpatuloy ang aktibidad sa pamamagitan ng presentation ng status report ng bawat HR system, kung saan ibinahagi ng mga system focal persons ang kasalukuyang kalagayan ng implementasyon ng kani-kanilang mga sistema, kabilang ang mga naisagawang hakbang, mga natukoy na kakulangan, at mga rekomendadong susunod na hakbang upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng PRIME-HRM sa dibisyon.
Layunin ng naturang gawain na matiyak ang pagpapanatili ng PRIME-HRM Maturity Level II sa DepEd Quezon, kasabay ng paghahanda ng dibisyon para sa PRIME-HRM Maturity Level III, na naglalayong higit pang patatagin ang institutionalization ng meritocracy at excellence sa human resource management.
Dinaluhan ang aktibidad ng Top Management ng DepEd Quezon sa pangunguna ni Dr. Rommel C. Bautista, CESO V, Schools Division Superintendent, kasama ang mga assistant schools division superintendents, division chiefs, at mga kasapi ng Division PRIME-HRM Committee at Technical Working Groups.
Bilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng closing remarks si Dr. Walter F. Galarosa, OIC–CID Chief, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng bawat yunit upang higit pang mapalakas ang mga sistema at matiyak ang kahandaan ng dibisyon sa susunod na antas ng PRIME-HRM implementation.
By:
Michelle G. Duma
Senior Education Program Specialist



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon