Lucena City, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang Division Training-Workshop on Internal Quality Audit (IQA) Procedures under PAWIM noong Pebrero 26–27, 2026 sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City. Dinaluhan ang dalawang araw na pagsasanay ng mga miyembro ng Division IQA Team ng DepEd Quezon, na may layuning higit pang mapalalim ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa pagsasagawa ng Internal Quality Audit alinsunod sa mga pamantayan ng PAWIM at ng ISO 9001:2015.
Nagsilbing resource speakers ang dalawang kinatawan mula sa Schools Division Office of Biñan City na sina Atty. Gertrude Anunciacion, Quality Management Representative, at Isidra Galman, IQAT Lead. Sa kanilang mga talakayan, binigyang-diin ang mahahalagang prinsipyo ng quality management, risk-based thinking, at ang kahalagahan ng objective evidence sa pagbuo ng audit findings. Ipinaliwanag din nila ang wastong paghahanda at pagbuo ng mahahalagang audit documents tulad ng Audit Plan, Audit Itinerary, at Audit Checklist, at nagbahagi ng mga konkretong halimbawa upang magsilbing gabay sa mga kalahok.
Sa ikalawang araw ng pagsasanay, isinagawa ang workshop kung saan hinati sa mga grupo ang mga miyembro ng IQA Team upang aktuwal na bumuo ng kani-kanilang audit documents. Sinundan ito ng presentasyon ng bawat grupo, kung saan nagbigay ng masusing obserbasyon at rekomendasyon ang mga resource persons upang higit pang mapahusay ang kalidad, kaayusan, at pagkakaayon ng mga dokumento sa mga itinatakdang pamantayan ng ISO at PAWIM. Sa kabuuan, naging makabuluhan ang naturang training-workshop sa pagpapatibay ng kakayahan ng Division IQA Team sa pagpapanatili at patuloy na pagpapabuti ng Quality Management System, bilang bahagi ng adhikain ng tanggapan na maisulong ang kultura ng kalidad, accountability, at kahusayan sa serbisyo.
By:
Michelle G. Duma
Senior Education Program Specialist



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon