Magdiriwang ang Department of Education (DepEd) ng 2026 National Women’s Month Celebration (NWMC) sa buong buwan ng Marso 2026, alinsunod sa DepEd Memorandum No. 010, s. 2026.
Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng kagawaran ng gender equality at mas inklusibong lipunan sa loob at labas ng mga paaralan.
Ang pangkalahatang tema ng kampanya para sa 2023–2028 ay, “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” na naglalayong pagtibayin ang kolektibong pagkilos tungo sa pantay na oportunidad at paggalang sa lahat, anuman ang kasarian.
Para sa taong 2026, tampok ang sub-theme na “Lead Like the Babaylans, Filipinas!”—isang panawagan na kilalanin at isabuhay ang makapangyarihang liderato ng kababaihan. Hango ito sa papel ng mga babaylan noong pre-kolonyal na panahon sa Pilipinas, na kinilala bilang mga pinuno, tagapayo, at simbolo ng karunungan at pagkakapantay-pantay sa komunidad.
Sa paggunita ng selebrasyong ito, magsasagawa ang DepEd Quezon ng isang Division Kick-Off activity bilang hudyat ng pagsisimula ng mga programa at inisyatiba para sa National Women’s Month. Layunin nitong higit pang palakasin ang kamalayan at pakikiisa ng mga guro, kawani, at mag-aaral sa adbokasiya ng women empowerment at gender inclusivity.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad sa buong buwan ng Marso, inaasahang higit pang mapagtitibay ang papel ng kababaihan bilang mga lider, tagapagtaguyod ng pagbabago, at haligi ng lipunan.

All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon