Academic and School Operations (SY 2025–2026)
End-of-School-Year (EOSY) Assessments
March 9–20, 2026
Isasagawa ang End-of-School-Year assessments kabilang ang CRLA, RMA, at Phil-IRI upang masukat ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at matematika bago ang pagtatapos ng taon ng pag-aaral.
Fourth Quarter Examinations
March 19–20, 2026
Isasagawa ang pinal na pagsusulit para sa ikaapat na markahan bilang bahagi ng pagtataya sa kabuuang pagkatuto ng mga mag-aaral.
End-of-School-Year (EOSY) Rites
March 30–31, 2026
Gaganapin ang Moving-Up at Graduation Ceremonies para sa mga kwalipikadong mag-aaral alinsunod sa itinakdang mga panuntunan ng Kagawaran.
End of Classes
March 31, 2026
Ito ang opisyal na huling araw ng klase para sa School Year 2025–2026.
National Observances and Celebrations
National Women’s Month
Buong buwan ng Marso
Isinasagawa ang iba’t ibang aktibidad upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagpapalakas ng kababaihan sa loob ng paaralan at komunidad.
Purple Wednesdays – Hinihikayat ang pagsusuot ng kulay lila tuwing Miyerkules bilang simbolo ng suporta sa women empowerment.
Girl Child Week – Mga programang sumusuporta sa kapakanan at karapatan ng mga batang babae.
Women with Disabilities Day – Espesyal na pagkilala tuwing huling Lunes ng Marso.
Fire Prevention Month
Isinasagawa ang mga fire drill at mga aktibidad sa kaalaman sa kaligtasan katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapalakas ang kahandaan sa sakuna.
Career Guidance Week
Mga gawaing naglalayong gabayan ang mga graduating learners sa pagpili ng karera o susunod na antas ng edukasyon.
Important Reminders
Isinasagawa sa unang bahagi ng Marso ang Early Registration encoding at finalization.
Mahigpit na ipinatutupad ang No Collection Policy – walang pinahihintulutang koleksyon ng anumang bayarin kaugnay ng Moving-Up at Graduation Ceremonies.

All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon