PAGBATI, sa mga mag aaral na nagpunyagi at nagsunog ng kilay upang makatugon sa
hamon ng edukasyon para sa pang angat ng antas o sa pagtatapos sa bahagdan ng kurikulum
naitinakda ng Kagawaran ng Edukasyon. Maligayang Araw ng pagtatapos sa inyong lahat.
PAGPAPAHALAGA, at saludo sa mga guro, magulang, mga pinuno at mga tagapagtaguyod ng
de-kalidad na edukasyon sa ating paaralan para sa mga MATATAG na KABATAANG PILIPINO
na silang uugit at huhubog ng kinabukasan ng BAGONG PILIPINAS.
Kaugnay nito ay ang aking marubdob na PAGSAMO sa mga guro para patuloy na yakapin
ang halaga ng edukasyon para sa mas matatag nilang maharap ang hamon ng bagong Pilipinas.
Naniniwala akona buong katapatang ginampanan ng paaralan ang kanyang tungkulin para
masiguro anginyong kahandaan para sa kinabukasan. PAGSAMO, sa mga guto at pamunuan
ng paaralanna huwag tayong magsawa sa paggawa ng TAPAT at SAPAT sa patuloy na
pagsusulong at pagpapagulong ng serbisyo para sa mga batang Quezonian. Sa mga magulang
at stakeholders, PATULOY, nawa nating maipadama ang ating bukas palad na
suporta sa ating mga anak - mga mag aaral.
Sa huli, ay ang aking pasasalamat sa lahat ng para sa PAGTUTULUNGAN nating maitaguyod
ang edukasyon sa ating lalawigan at PANALANGIN ko na pagpalain lalo tayo ng Maykapal sa
ating mabubuting adhikain.
Muli, ang aking pagbati ng maligayang araw ng pagtatapos/ pag angat ng antas.
Mabuhay !!!
ROMMEL C. BAUTISTA, CESO V
Pansangay na Tagapamanihala
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon