Ni Jezaline R. Argamosa
Ipinaliwanag ni G. Kirt John Segui, Translator II, Komisyon sa Wikang Filipino, ang mga estilo at katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos na dapat aktibo ang mga mananaliksik, sapagkat ang katutubong pananaliksik ay sama-samang gawain ng mga kalahok.
“Dapat ang sinumang kalahok sa pananaliksik, lalo na ang kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural, ay hindi obheto/ispesimen/biktima, sapagkat bahagi sila nang aktibong pananaliksik ng sarili nilang kalinangan at kasaysayan,” ani pa ng tagapanayam.
Dagdag pa niya, magiging katuwang natin ang mga katutubo sa pananaliksik, dapat mayroon malalim na pag-unawa sa pamamaraan ng kanilang buhay, uri ng kulturang kinagisnan at paniniwalang humubog sa kanila pananaw at ang ating kinagisnan.
“Dapat hindi tayo nanghahamak kung may makasabay man o may makita tayong katutubo na lalo na ang hindi nila paliligo sapagkat may kaugnayan ito sa uri ng kanilang pamumuhay at sa paraan kung paano sila makakakuha nang makakain,” pagbabahagi pa ng ginoo.
Nilinaw rin niya na dapat kalakbay mananaliksik, subalit hindi nauuna o nahuhuli; pinapahalagahan ang inherent tension; binabantayan ang personal na bias; handang makinig sa mga danas, nakikilahok upang higit na matuto.
Isa pang kahalagahan ang tamang pakikitungo upang makakuha ng mayamang datos. Ayon nga kay Javier 2016, 25, isang nabuong kaalaman ang kapuwa. Buhat sa unawa natin sa mga proseso ng mga inter- aksiyong sosyal na karaniwan nating kinapalooban natuklasan natin na ang turingan natin ay iba o hindi-iba ang tao sa sarili dahil sa kapuwa. Ang iba o hindi-iba ay kapareho sa katayuan dahil may dangal ang pagiging tao. Kaya ang ibang tao ay hindi na iba sapakat kapuwa naman talaga.
Dalawang proseso ng katutubong pananaliksik ang pagtatanong-tanong na normal namang ginagawa at ang pakikipagkuwentuhan bilang pinakamataas na uri ng pagkuha ng datos.
Pinaalalahan naman niya ang mga guro na bigyang pagpapahalaga ang sagradong lugar at paniniwala ng nasa pamayanan, makihalubilo at iparamdam sa kanila ang kahalagahan ng pagiging bahagi ng komunidad.
Sa kabilang banda, ibinahagi rin ng na may iniaalok ang Komisyon sa Wikang Filipino sa mga gustong manaliksik ng mga katutubong wika na may pondo na nagkakahalaga ng 300 libo, ngunit may mga proseso na kailangang sundin ang mga magiging kalahok.
DAYALEKTONG TAGALOG-QUEZON TAMPOK SA ISINAGAWANG PANANALIKSIK
Ni Jezaline R. Argamosa
Ibinida ni G. Marciano R. Catapang, Dalubguro I, ang kaniyang pananaliksik na kung saan masusing isinalarawan ang mga dayalektong tagalog-Quezon upang maibahagi sa mga guro dumalo sa ika-16 na kapulungan ng GATFILZON.
Pinamagatang “Pagbabanghay sa mga Salitang Ngani baya Ka-a, Ka-mo: Isang masusing Paglalarawan ng Dayalektong Tagalog-Quezon para matukoy ang varayti ng wika at maiisa na rin ang mga dayalektong sinasalita sa bawat bayan ng Quezon.
Binubuo ito ng 44 ng bayan na may mga uri ng pagtatagalog na salita sa Quezon.
Wikang tagalog sa lalawigang ito ay may kaniya-kaniyang kakanyahan , yaman pagkamalikhain at diretsahang kaangkupang naaayon sa hinihinging tamang pagpapakahulugan ng isang nagsasalita o sumusulat upang maiparating ang nais niyang sabihin o tukuyin kaninuman.
Tinukoy din niya ang sistema ng pagkakaiba ng mga wika na mayroong pagkakaiba sa bawat barayti na matutunghayan sa level ng ponolohikal, morpolohikal, transpormasyunal at kaukulang grammar. Masusuri ang kalidad at kantidad ng wika sa pamamagitan ng heograpikal, sosyal, estilo at iba pa.
Winiwika ang tagalog-Quezon na may matitigas at malalambot na diin habang pinupunto ng nagsasalita na winiwika rin sa mga kalapit na lalawigan gamit ang lumang estilo, anyo at porma ng pananagalog.
Ibinahagi rin niya rito ang mga proseso sa mga pagkakaltas o pagpapalit ng ponema iba pang paraan para maging lehitimong tagalog-Quezon ang isang salita halimbawa na lang ang salitang “takpan” na nagiging “takpi” na ang ibig sabihin sa English ay ‘to cover’.
Ang mga halimbawang kaniyang ibinahagi at pagpapakita nga mga lehitimong salita nag bawat bayan sa Quezon ay naipakita rin ang kahalagahan at yaman ng wikang ating sinasalita.
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon