DASMARIÑAS CAVITE - Isang kapanapanabik na Do-or-Die Match ang pinakitang laban ni Mhay Anne Joy Escama ng Quezon at ni Cheeya Mei Navarro ng Antipolo City kung saan matagumpay na nakolekta ng una ang kaniyang gintong medalya sa rack score na 6-5 sa 9-Balls Billiards Girls Category sa Regional Athletic Association Meet na ginanap kahapon Abril 16, 2023.
Naging malamya ang umpisa ng pambato ng Quezon kung saan nalugmok siya sa 4-0 run kay Navarro ng Antipolo, 0-4.
Animoy pinagsakluban ng langit at lupa sa dinanas na kalamangan si Escama hanggang sa pumihit ang tadhana at naipanalo ang 5th rack, 1-4.
Tila sinapian ni Rubelyn Amit ang Quezon Cue Princess kung saan tumikada ito ng mga tira at naipilit ang pagdikit ng iskor sa 6th at 7th rack, 3-4.
Rack #8, sargo ng Quezon. Naipocket ni Escama and 2-ball sa break at madaling nakolekta ang 1-ball ngunit na-foul siya sa 3-ball. "Ball-in-hand" ng Antipolo nang humingi ito ng time-out dahil sa siya'y nasusuka.
Pagkatapos ng naturang time-out, nagbago ng tumbok si Navarro kaya't madalinh nakolekta ni Escama ang natitirang bola at naitala ang unang deadlock score 4-4.
"Naubusan po ako ng hangin, para pong nasusuka ako at 'di makahinga" ani Navarro matapos ang laro.
Rack # 9 Nahulog ni Escama ang 6-ball sa break dahilan upang makakolekta pa ng isang bola at sumablay naman sa dos ngunit nag-iwan ng safety shot na madaling nacounter-safety ni Navarro.
Hanggang sa makasilip ng pagkakataon ang bilyarista ng Antipolo na makolekta and dos hanggang otso na bola ngunit bigo itong mapahulog ang nueve.
Sinubukang tirahin ni Escama ang thin cut shot para makuha ang nueve ngunit makapal ang pahkakatama nito na naiwang nakabenta kay Navarro kaya't nakuha ng huli ang rack 4-5.
Rack #10, On the verge. dry break ang iniwan ni Antipolo kung saan sinubukan ng Quezon ang triple 1-5-9 combination shot ngunit hindi ganap na naisakatuparan ito.
Nakapag commit naman ng foul si Navarro kaya't muling sinubukan ni Escama ang 1-9 combination shot ngunit bigo pa rin ito.
Panibagong foul ang nagawa ni Navarro matapos mapahulog ang 2-ball at 3-ball ngunit sa pagkakataong ito, pinili na ni Escama na pahulugin ang uno upang muling subukan ang 4-9 combination shot na nauwi pa rin sa pagsablay at safety.
Sa pagbalik ni Escama sa lamesa ay naipilit nitong magkaroon ng second deadlock 5-5 matapos ubusin ang natitirang bola.
Final Racl, Hill-Hill Match, Walang nahulog sa break shot ni Escama at nag-scratch pa ang cue ball, nabigyan ng pahkakataon si Navarro na tumira sa 1-9 combinayion shot ngunit sumablay ito na nag-iwan ng safety shot.
Patuloy na nag-paigatan ang dalawang manunumbok hanggang sa mag-foulvang Quezon sa 4-ball dahilan upang mafaling makolekta ng Antipolo ang 4-5-6 na bola.
Sipat sa siete, madaling nai-pocket ni Navarro ang 7-ball at naipuwesto ng tuwid ang cue ball sa otso. Dahil kelangan niyang magkatoon ng magandang preparation, na miscue nito ang otso dahilan upang maiwang benta ang otso kay Escama.
Madali namang nakolekta ni Escama ang otso ngunit pagsapit sa nueve ay pansin ang bigat ng kaniyang balikat dahil sa pressure...
Hinga, tisa, himas ng tako... sipat sa nueve... bitaw ng tira at nang mahulog ang nueve ay dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa venue. Nakolekta ng Quezon Cue Princess ang kaniyang gintong medalya sa 9-balls billiards girls category. (Ulat at larawan ni: Arjay A. Oribiana, SST I Gumaca NHS)
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon