ATIMONAN, QUEZON-Matapos maghari sa kanilang bracket, nagtuos sa pangkampeonatong laro ang parehas na manunumbok ng ikaapat na distrito kontra sa iba pang manlalaro.
Maagang dinomina ni Justine Magtaya ng Yunit IV ang unang rack matapos nitong tagumpay na maisagawa ang two-ball to nine-ball combination shot.
Bumawi naman agad si Kharl Ken Areola at nagtala ito ng 2-0 run dahilan upang makuha ang momentum ng laban.
Hindi naman nagpatibag si Magtaya kaya’t agad na naitabla ang laban sa 2-2 ngunit umigkas muli ng kalamangan si Areola sa 5th rack , 2-3.
Ginamit naman ni Magtaya ang kaniyang alas upang madomina ang nalalabing rack at maikandado ang laban sa iskor na 7-3 dahilan upang makopo ang gintong medalya
Sa kabilang lamesa, tagumpay naman na naidepensa ni Lester Red ang kaniyang puwesto bilang front pocketeer ng Quezon Dolphins sa 8-Ball men’s division ngayong ika-5 ng Marso.
Muling napasakamay ni Red ang gintong medalya sa 8 balls men’s division matapos magtala ng 7-2 dominant game kontra kay Kharl Ken Areola dahilan upang muling tanghalin na Quezon’s Front Pocketeer.
Matatandaang si Red ang kampeon sa huling idinaos na Provincial Athletic Meet na ginanap noong 2019 sa Mulanay, Quezon bago manalasa ang pandemya. (Arjay A. Oribiana- Gumaca NHS)
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon