ATIMONAN, QUEZON. Siniguro na nang Gumaca Kickers na kumakatawan sa UNIT IV (boys and Girls division) ang panalo sa kanilang pangalawang laban sa score na 2-1 kontra unit 3 sa ginanap na Palarong Panlalawigan ngayong araw.
Ito’y matapos silang matalo sa unang laban kontra unit 2 at unit 3 matapos na hindi makaangkin ng regu sa nasabing kalaban.
Pahayag ni Francis Deseo, Coach ng Unit 4 Womens Sepak Takraw Team, 2 months silang naghanda, nagpokus sa fundamentals dahil nga babae sila, ang naging teknik nila ay pinapatak nila ang bola sa pinakamahinang player.
Dagdag pa niya ang service ace ang pinakamahalagang part ng game dahil doon nagsisimula ang lead ng laban, kapag nag error kaagad ang service malaking posibilidad na matalo.
Nakasungkit naman ng dalawang panalo ang Elementary ng Unit IV sa parehas na iskor, 2-0 kontra Unit 1 at Unit 3.
Samantala muling sasabak ang mga manlalaro ng Sepak Takraw bukas, sa Atimonan Central Elementary School upang makakuha ng titulo para sa Regional Sports Competition. (Jezaline R. Argamosa/Monica Pasco)



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon