DASMARIÑAS CITY. Maagang kinubra ni Rafael Cyron O. Ole ng SLSU Lucban ang kaniyang tiket patungo sa kasunod na kumpetisyon matapos magtala ng 2:37.79 minuto sa 200m breaststroke secondary boys’ division sa ginanap na Regional Athletic Association Meet (RAAM 2023) ngayong Marso 26, 2023 sa De La Salle University Dasmariñas Campus.
“Unexpected po yung pagkapanalo ko. Basta ang goal ko po ay makapag tala po ako ng best time ko,” saad ni Ole.
Napag-alaman na ang naturang manlalangoy ay lumahok sa Invitational Regional Qualifying Games noong Abril 2022 kung saan isa siya sa dalawang representative ng lalawigan.
Dagdag pa niya, “Na-hit ko po noon ang qualifying time kaya po ako lalong na-motivate ngayong Regionals po.”
Ayon naman sa kaniyang ama, balik praktis ulit si Ole para sa natitira pang dalawang event na gaganapin sa Abril 2 sa kaparehas na venue.
Pumangalawa naman kay Ole si John Kyan Ramores ng Rizal na may oras na 2:38.21 at pumangatlo siJoart U. Calderon ng Lipa City na nagtala ng 2:42.93. (Ulat ni Arjay A. Oribiana, Larawan ni Ronald Allan Ole).


All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon