Pinatunayan ng Quezon Dolphins na hindi hadlang ang kanilang height sa 2023 Regional Athletic Association Meet (RAAM) Secondary Girl’s Volleyball ng kanilang paluhudin ang kapwa nag-aasam na Cavite City Girl’s Volleyball upang maselyuhan ang ikalawang panalo papunta sa sunod na round ng torneyo, La Salle University- Dasmarinas.
Inulan agad ng sunod-sunod na services aces na binitawan ni team captain May Angelique Hinete at cross court attack ni Zaira Pauline Nombre upang mabilis na maiuwi ang pagkapanalo sa barahang 25-11, 25-13.
“Magtiwala sa sarili at tatagan lamang sa laro,” pagbabahagi ni Hinete nang tanungin kung ano ang naging pundasyon at mindset nila sa laro.
“Kinabahan po talaga kami at matatangkad ang kalaban namin, plus yong impression nila sa amin na parang mga elementary lang, pero kinaya po namin.” dagdag ni Hinete.
Isa sa sinandalan ng Quezon Dolphins Volleybelles ang mga nilikhang errors ng naturang koponan kung saan matitinding cross court attacks at bira ang iniwan ni kapitana Angelique Hinete.
Sa tulong naman nina Suzaine Isabel R. Afable at Pauline Nombre, pinangunahan nila ang depensa sa ikalawang set ng laban upang hindi na makapuntos pa ang Cavite City na nagtapos sa 25-13.
“Pinokus po talaga naming yong depensa kasi wala pong nananalong team na mahina ang depensa, bonus na laang po ang opensa” sambit ni four-time Regional Athletic Meet Volleyball Coach at Trainer John Emmanuel C. Landicho na siya rin ang tumatayong coach ng Sariaya Girls Volleyball.
“Wala po kaming ilalaban sa tangkad, pero bumabawi kami sa depensa.” dagdag ni Landicho.
Hawak ang dalawang panalo, makakaharap ng Quezon Dolphins Volleybelles sa Abril 2 ang wala pa ring talo na De La Salle, Lipa City Volleyball Team.


All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon