Ipinamalas ng mananakbong-atleta ng Quezon Dolphins na sina Ian Larenas at Paul Andrei Balmeo ang kanilang kahandaan para sa Palarong Pambansa matapos pagwagian ang paboritong event sa 2023 Regional Athletic Association Meet, Marso 25 sa Dasmariñas City Oval.
Nakopo ni Llarenas ang gintong medalya sa 1500m Secondary Boys habang pumangalawa naman si Balmeo.
“Masaya po. Nandun pa rin po yung kaba pero nasasanay na rin po dahil kasama naman po lagi yun sa training at preparation namin…
Para naman po sa panalong ito, magandang [stepping stone] po ito para matanggap po ako dream school ko po and siyempre excited na sana magqualify muli sa Pambansa,” ani Llarenas.
Matatandaang huling nagkampeon si Llarenas sa Palarong Pambansa noong 2019 kung saan naging daan rin upang maimbitahan para sa Asian Games Qualifications noong nakaraang taon sa Iloilo.
Samantala, ito naman ang unang pagkakataon para kay Balmes na irepresenta ang lalawigan sa Regionals sa secondary level division.
“Regarding po sa laro kanina, nag-communicate lang po kami ni Ian na dikit lang po sa isat-isa. Kaya hanggang sa dulo po magkasunod lang po kami kaya masaya rin po ako na nakuha namin yung first at second [places] po,” wika ni Balmeo.
Pawang nasa Grade 10 na ang dalawa na kasalukuyang nag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng Lucban - Integrated School (PSL-IS) sa Lucban, Quezon.
Samantala, umaasa pa rin ang Quezon Dolphins Track and Field Delegations na madadagdagan pa ang bilang ng mga medalya sa mga susunod na araw ng pangrehiyong palaro. (Sinulat at mga kuhang larawan ni Jerwin Tierra, SST-I/SIO Talipan NHS)



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon