Nanguna ang Men at Women Team ng Unit II sa Sepak Takraw matapos na kumana ng 6 na set dahilan upang maiuwi ang medalya sa ginanap na Palarong Pandibisyon ngayong araw sa Atimonan Quezon.
Nanalasa ang Hawks kontra Unit III Flyers sa huli nitong laban sa Men's Sepak Takraw matapos na makapagtala ng 2-1 regu score dahilan upang masigurado ang kanilang puwesto.
"Depensa talaga, tapos yung communication sa loob ng court" pahayag ni Mark Paul Bonsol ng Hawks.
Nakamit naman ng Unit I ang ikalawang puwesto matapos na makapagtala ng kabuuang puntos na 376.
“Malaki talaga yung ginawang improvement ng mga bata ngayon dahil kahapon ay may mga pagkakamali pa, ngayon matapang talaga sila sa defense na talagang nakatulong sa laban nila,” pahayag ni Mirela Calubayan, tagapagsanay ng Unit I
Wagi rin naman ang Unit IV Sepak Takraw Men's Junior Division matapos na mabokya lahat ng katunggali sa regu score dahilan upang tanghaling kampeon sa nasabing laro.
Samantala aabante naman ang Unit II ng Men's at Women's Sepak Takraw Team at Unit IV Juniors Division sa Regional Sports Competition matapos na maghari sa Palarong Quezon.
Sa naunang laro bago ang finals, sumikwat ng panalo ang Gumaca Kickers (boys and Girls division) matapos magwagi sa kanilang pangalawang laban sa score na 2-1 kontra unit 3 sa ginanap na Palarong Panlalawigan, Marso 5.
Ito’y matapos silang matalo sa unang laban kontra unit 2 at unit 3 matapos na hindi makaangkin ng regu sa nasabing kalaban.
Pahayag ni Francis Deseo, Coach ng Unit 4 Womens Sepak Takraw Team, 2 months silang naghanda, nagpokus sa fundamentals dahil nga babae sila, ang naging teknik nila ay pinapatak nila ang bola sa pinakamahinang player.
Dagdag pa niya ang service ace ang pinakamahalagang part ng game dahil doon nagsisimula ang lead ng laban, kapag nag error kaagad ang service malaking posibilidad na matalo.
Nakasungkit naman ng dalawang panalo ang Elementary ng Unit IV sa parehas na iskor, 2-0 kontra Unit 1 at Unit 3.
Samantala muling sasabak ang mga manlalaro ng Sepak Takraw bukas, sa Atimonan Central Elementary School upang makakuha ng titulo para sa Regional Sports Competition. (Jezaline R. Argamosa/Monica Pasco)
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon