SAN ANTONIO, QUEZON- Nilupig ng Unit 3-BonPen ang Unit 4, 18-8 sa finals ng baseball sa anim na innings ng laban sa open field ng Buliran, San Antonio, Quezon, Marso 5.
Nadehado man sa unang inning, kumamada agad ang BonPen ng sunod-sunod na perpektong pagpalo sa ikalawa hanggang ika-limang inning na nagresulta sa maagang pag-abante kontra Unit 4.
"Tibay lang ng loob at kompyansa sa sarili ang kailangan sa oras na humawak ka na ng bat. Maniwala na kakayanin at magagawa." ani Eddie Robles, ang ace hitter ng BonPen na makailang beses na na strike out bago nito nakuha ang tamang porma sa pagpalo.
Naproteksyunan ng BonPen ang kanilang titulo matapos dumipensa ng mahusay sa torneyo.
Nagtala ng isang homerun at 3 strike out ang Unit 4 t sa 1st inning ngunit hindi rin ito nagtagal dahil mabilis na tinagilid ng BonPen ang laban.
Hindi nabigong makapagtala ng tatlong puntos ang BonPen matapos sumiklab ang kagustuhang manalo habang ang Unit 4 batters ay tinapos ang pangatlong inning ng may iisa lamang na puntos.
“Lima na lang, kaya pa ‘yan,” ani ng grupo ng Unit 4, hindi nawawalan ng pag-asa.
Hindi nagpatinag dito ang BonPen, lumamang sila ng anim ng ang lahat ng kanilang lakas ay ibinigay pa kahit wala ng pag-asang matalo ang kanilang koponan.
Sa matinding depensa na ipinakita ng BonPen, hindi na muling nakapuntos pa ang batters ng Unit 4 na naging resulta ng kanilang pagkatalo, 18-8.
Naging maiksi lang ang laban dahil sa sunod sunod na pag-angat ng iskor ng BonPen.
“Wala na, uwian na!” pasigaw na sabi ng koponan ng BonPen ng wala ng nagawa ang Unit 4 upang makabawi at maagaw ang titulo
Susubukang makopo ng BonPen ang unang tagumpay sa Regional Meet na gaganapin sa Cavite.



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon