TIAONG QUEZON - Walang mainit na panahon sa matamis na pagmamahal.
Naging memorable hindi lang kay Venonia ang kanyang unang paglahok sa patimpalak, pati na rin sa mga manonood at iba pang atleta.
Umani ng magandang reaksyon ang isang SPED athlete na si Yhouhan Veronia, manlalaro ng District II sa kategoryang 100 at 200m sprint, matapos siyang puntahan ng kanyang lola sa race track at makitakbo upang siya'y alalayan bilang suporta sa ginanap na Palarong Quezon 2023 sa Lusacan Tiaong Quezon kahapon.
Kasabay ang mainit na tirik ng araw, pinaantig ng mag lolang si Corason Morellio kasama ang kanyang apo, ang puso ng bawat manlalaro sa iba't ibang distrito, kung saan walang alinlangang nilapitan at masayang sinamahan ng matanda ang bata matapos itong tumigil sa pagtakbo.
Sa pagbaba ng watawat bilang hudyat sa pagsisimula ng karera, kanya kanyang bilis ng pag arangkada ang ipinakita ng bawat pambato sa iba’t ibang unit para sa kampeonato, subalit napukaw ang atensyon ng lahat sa ginawang paghinto ni Veronia, ilang metro malayo sa starting line.
Bunsod nito, hindi na napigilan pa ni lola Morellio na hawakan ang kamay at akayin ang apo sa linya upang bigyan ng sapat na gabay at maipagpatuloy ang laban kahit tila huli na ang lahat
Ayon sa matanda, plano talaga niyang alalayan ang kanyang apo sa simula pa lamang upang ito'y makatakbo. Dagdag din niya na wala sa kaniya kahit hindi masungkit ng bata ang panalo, basta't ito'y maging masaya.
Sa kabilang banda tuloy pa rin ang pakikipagtagisan ng mga atleta sa iba't ibang kategorya upang patunayan ang sarili sa harap ng maraming tao, pinangunahan na ito ng District III kabuntot ang hindi nagpapahuling District I.



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon