Tinuldukan nina Kharl Ken Areola ng Unit IV at Aramea Flores ng Unit II ang laban para sa pwesto ng finals sa larangan ng panlalaki at pambabae sa Billiards 9 balls kontra Unit III at Unit I na ginanap sa Barao Billard hall sa Atimonan, Quezon nitong ika-4 ng marso.
Sinarguhan ni Aerola ang kaniyang mga katunggali na si Arjhay Catapang ng Unit II at Jhon Airon Morales ng Unit I sa Billiards 9 balls panlalaki at Ivan Daines ng Unit III para sa semi-finals.
Sa kabilang dako, agad naman rumatsada si Flores para sa unang championship ng laban matapos nitong matalo ang katunggaling sina Eljane Paular ng Unit IV, Rebecca Villotes ng Unit I at harapin si Daelin Angela Malihan sa semi-finals kung saan siya ay nakakamit ng Golden Break sa Game 6.
Ayon pa kay Flores, lagi silang nag-eensayo upang magkaroon ng mas maayos na laro na naging dahilan ng kaniyang pagkapanalo.
Samantala, muling sasabak sa laban si Aerola at Flores para tuluyang maiuwi ang tiket patungong Regional Sports Competition (RSC). (Kate Arida)



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon