TIAONG QUEZON - Nasungkit ng Unit II ang lahat ng gintong medalya sa Palarong Quezon sa pamamagitan ng kanilang angking talento sa larangan ng gymnastics kahit na baguhan pa lamang ang mga isinalang sa kompetisyon.
Nagmula sa Tiaong East Elementary School ang mga itinanghal na panalo kung saan ginanap ang kumpetisyon sa Martial Punzalan Senior Plaza, Tiaong, Quezon noong ika-4 ng Marso taong 2023.
Nagwagi ng gintong medalya sa Aerobic Gymnastics - Individual Men and Women Category, sina Sean Samuel R. Arce at Jeny Rose R. Salas sa puntos na 14.925 at 14.75.
Sa pangalawang pagkakataon muling nasungkit nina Salas at Markus Gaberiel G. Rodel ang gintong medalya sa Mixed Pair Category na may kabuoang puntos na 14.65 sa Aerobic Gymnastics.
Dagdag pa ang gintong medalya nina Arce, Salas at Denise Laureine A. Virrey ng Aerobic Gymnastics Trio matapos manguna sa puntos na 13.45.
"Maraming gustong umayaw pero through the help of parents and coaches and trainer naituloy namin ang paglaban." Pahayag ni Jocelyn M. Panganiban, tagapagsanay ng Unit II, ukol sa pagsuko ng mga atleta sa panahon ng pag-eensayo.
Sa galing, bibo at gilas ng mga batang nagmula sa Unit 2, naipakita nila sa madla ang kahusayan sa gymnastics, "lift, jump, split" ang ilan sa mga ipinamalas nilang galaw upang mangibabaw sa mga katunggali kahit ito ang unang pagkakataon na lumaban sa kompetisyon.
Malaki ang naging agwat sa puntos ng lahat ng nanalo, 4 na puntos ang nakamit ng Unit 1 sa Trio habang namayagpag sa 13 puntos ang Unit II.



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon