Positibo ang pananaw ng isang guro sa Calauag, Quezon sa isinusulong na "new normal" bilang pagharap sa hamon sa sektor ng edukasyon sa gitna ng krisis.
Nagtuturo si Teacher Clara Mae Mirabel sa Tabansak Elementary School. Kasabay ng lockdown, sumali ang guro sa mga webinar bilang paghahanda sa kanyang trabaho oras na magbukas ang klase.
Hinikayat din ni Teacher Clara Mae ang mga magulang na gamitin ang DepEd Commons. Mahina man ang internet signal doon, umaasa siyang maaayos din ito dahil sa partnership ng DepEd at telecommunication companies.
"Though our school is in a far-flung area which has very intermittent internet connection, we are still aiming that we can embrace the changes," pahayag ng guro.
Bukas din ang kaisipan nito na gamitin ang iba pang alternatibo lalo na't marami rin daw magulang doon ang walang gadgets.
Gaya sa mga nakaraang taon, panghahawakan daw ni Teacher Clara Mae ang suporta ng mga magulang sa programang pang-edukasyon ganun na rin ang kagustuhan ng mga bata para makapagtapos. Inspirasyon daw ito para sa kanya upang harapin ang hamon sa pagsusulong ng makabagong edukasyon.
Dagdag ni Teacher Clara Mae, marami pa siyang dapat pag-aralan at lagi daw niyang iisipin ang mga estudyante niyang umaasa sa kanya sa pasukan.
"I will embrace what the education system will provide for us. At naniniwala akong walang pagsubok na ibibigay sa atin na hindi natin kayang lampasan," pagtatapos ni Teacher Clara Mae.
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon