Kaugnay ng muling pagbubukas ng mga paaralan sa Dibisyon ng Quezon Province, bumisita at nakipaghuntahan sa punong-bayan ng San Narciso, Kgg. Florabelle Uy-Yap, ang mga opisyal ng DepEd CALABARZON sa pangunguna ni ARD Cherrylou D. Repia (Teacher Che), kasama ang Top Management at section heads ng SDO Quezon na pinamumunuan ni OIC-SDS Elias Alicaya Jr., Agosto 22.
Ipinahayag ng lokal na punong-ehekutibo ang buong suporta ng pamahalaang bayan sa mga adhikain at programa ng Kagawaran. Ito ay upang higit na matutukan at mapagbuti ang pagbabalik-eskwela ng mga kabataan habang pinananatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.



All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon