Masayang sinalubong ng mga guro ng Plaza Rizal ES ang 144 na mga mag-aaral na kabilang sa limited face-to-face classes na sinimulan noong Lunes, Abril 11. Kabilang sa kanila ang 24 na Kindergarten; 36 na Grade 1; 36 na Grade 2; at 48 na Grade 3 learners na eksayted na tumanggap ng tig-iisang lobo at sinalubong ng banda sa tarangkahan ng paaralan. Tampok rin ang mascot na 'Hello Kitty' na umindak kasama ang mga guro at si G. Rexter Anda, Punong-guro II, na nagpasalamat sa suporta ng mga magulang at komunidad upang maisakatuparan ang muling pagbubukas ng paaralan. Gumagamit rin sila ng QR Code sa pagtsetsek ng attendance. Matapos ma-scan ang code ng bawat mag-aaral, nagpapadala ito agad ng mensahe sa mga magulang na nakapasok na sa silid-aralan ang mga bata. Parehong mekanismo ang ginagamit upang ipaalam na nakauwi na ang mga mag-aaral. +++ Oscar R. Duma Jr. DIO | SEPS | PREFIC Larawan: Rexter Anda #DepEdTayoQuezonProvince #DepEdPhilippines #DepEdCALABARZON #DepEdTayo #ALITAPTAPAwards #KwentoNgPagasaAtTagumpay #facetofaceclasses #QuezonPREFIC
All content is in the public domain unless otherwise stated.
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.
Copyright © 2020 Department of Education DIVISION OF QUEZON
Template Designed: GOVPH | Developed and maintained by Rommel Oczon